Read Mga Uod at Rosas by Edgardo M. Reyes Online

mga-uod-at-rosas

Kung may isang bagay na lubhang kinasusuklaman ang isang artist, ito'y ang katotohanan na kailangan din niya ang pera. Ang katotohanan na maging ang isang manlilikhang-sining, na may kimkim, sariling pagtuturing na isang diyos, ay gaya rin ng isang karaniwang mortal na kailangang kumain upang ang katawan ay hindi takasan ng kaluluwa.Oops! Muntik na siyang may makabungguanKung may isang bagay na lubhang kinasusuklaman ang isang artist, ito'y ang katotohanan na kailangan din niya ang pera. Ang katotohanan na maging ang isang manlilikhang-sining, na may kimkim, sariling pagtuturing na isang diyos, ay gaya rin ng isang karaniwang mortal na kailangang kumain upang ang katawan ay hindi takasan ng kaluluwa.Oops! Muntik na siyang may makabungguan sa mga kasalubong. Naiwasan niya sa huling sandali. Nilingon niya. Taong grasa. Tulad niya, naglalakad nang parang wala sa sarili. Mula sa mga de-kurbata hanggang sa mga palaboy, samasama sa magulong agos ng mga tao sa kapusurang iyon ng Ermita.Sumaisip ni Ding ang kanyang problema at ang posibilidad na siya'y mapatapon sa lansangan at maging isang taong grasa....

Title : Mga Uod at Rosas
Author :
Rating :
ISBN : 9789710172443
Format Type : Mass Market Paperback
Number of Pages : 183 Pages
Status : Available For Download
Last checked : 21 Minutes ago!

Mga Uod at Rosas Reviews

  • K.D. Absolutely
    2019-03-03 05:28

    Ang librong ito ay lumabas lamang noong isang taon, 2010 nguni’t ang origihal na manuskrito ay nasulat ni Edgardo M. Reyes noong 1980 at naisa-pelikula ng Ian Films noong 1982 at pinagbidahan nina Nora Aunor (Socorro), Lorna Tolentino (Nina) at ang namayapa nang si Johnny Delgado (Ding). Idinerehe ni Romy Suzara na siyang tinanghal na Best Director sa ilalim ng Film Academy of the Philippines. Kabilang din sa mga tropeyong nasungkit nito ay ang Best Picture, Best Actress (Nora Aunor), Best Cinematography (Romeo Vitug) at ang Best Film Adaptation (Edgardo M. Reyes).Natatandaan ko pa noong gabi bago ito lumabas sa mga sinehan noong 1982. Ang See-True ni Inday Badiday noon ay ipinalalabas sa Ch. 13 tuwing Huwebes ng gabi dahil ang bukas ng bagong pelikula ay tuwing Biyernes. Parang miting de Avance dahil huling pagkakataon ng mga artistang kasama sa pelikula na imbitahan ang mga manonood. Natatandaan ko kung gaano kaganda si Lorna T. at may sinasabi sila ni Johnny Delgado na mayroon ditong “giling-giling” scene (uso noon ang bomba films na pang-aliw ng mga taong nagdurusa dahil sa Martial Law). Nguni’t pinutol ang tagpong yon ng Board of Censors. Nguni’t laking gulat ko noong dumating ang pelikula sa amin (sa probinsiya) dahil nandoon ang pinutol na tagpo! Mayroon kasi sa aming sinehan na ang mga sinensor na tagpo at ikinakabit muli ha ha.Mula noon ay di ko na nalimutan ang pelikulang ito. At noong Disyembre at nakita ko ang libro ay binili ko agad. Gusto kong balikan kung paano sinulat hindi lang ang tagpong yon kundi ang buong kuwento. Ito pa rin ang unang libro ko ni Edgardo M. Reyes at nais kong makasubok ng galing niya bilang kuwentista. Mataas ang tinggin ko sa kaniya dahil marami rin siyang sikat na sinulat na napasa-pelikula na gaya ng Maynila: Sa Kuko ng Liwanag (1975) na nagpasikat kay Lino Brocka at Bembol Roco, Ligaw ng Bulaklak (1976) na nagpasikat kay Alma Moreno, Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy(1984) na nagpasikat lalo kay Erap Estrada at Laro sa Baga (2000) na nagpasikat kay Ara Mina.Ang tanong noon: Bakit Mga Uod at Rosas Sino kina Johnny, Nora at Lorna ang mga uod? Sino ang rosas? Sa loob-loob ko noon eh, alangan namang si Nora ang rosas? Eh mas maganda at seksi si Lorna. Parang mas bagay kay Nora ang uod ha ha.Isa pa yan sa mga ikinuha ko ng sagot sa pagbabasa ko ng nobelang ito.Di rin nga lang tahasang sinagot ni Reyes.Di nya ginamit ang salitang “uod” sa nobelang ito. Inabangan ko talaga. Dalawang beses ginamit ang “rosas.” Una yon daw bath robe ni Socorro (Nora) sa unang pagniniig nila ni Ding (Johnny) ay may naka-burdang rosas sa harap (siguro sa may tapat ng kanyang…). Pangalawa doon sa opisina ni Al na kaibigan ni Ding. Ang rosas daw ay simbulo ng kalinisan. Okay, so si Nora nga ang rosas. Puwede pang uod si Johnny. Pero, paano naging uod si Nina (Lorna)? Hmmm, uod ay parasitiko. Nabubuhay sa patay o dumi o kung ano mang nabubulok. Inuuod din ang rosas (alam ko dahil naghahalaman ako) at ang katapat nyang ay malathion. Si Socorro ay umiibig ng tapat kay Ding pero hindi nagde-demand. Ginagamit ni Ding ang pera at katawan ni Socorro kahit na si Nina ang mahal nya talaga. Si Nina naman ay nagpapabayad sa mga mayayamang lalaki pati na rink ay Ding noong mayaman na ito. Mga uod nga sila!Mahusay yang si Edgardo M. Reyes. Simple ang paglalahad niya ng kuwento. Walang palamuti. Para tubig na umaagos ng malaya sa batis. Yong walang hadlang. Walang batong naka-usli. Walang dahon na lumulutang o inaanod. Busilak. Malinis. Hindi siya mahilig gumamit ng talinhaga. Wala ring mga nakagigimbal na pangyayari. Walang sigawan. Walang sampalan. Pero masasalamin mo ang saloobin ng mga tauhan niya. Mararamdaman mo ang kanilang nararamdaman. Mararamdaman mo kung gaano kahirap ang buhay ng mga hindi kilalang pintor. Mararamdaman mo kung paano niyayapakan ng mga malalaking art galleries ang mga maliliit na bahay sining. Yan pala si Edgardo M. Reyes.

  • Markjaysonolaya
    2019-03-13 02:33

    i want to read

  • Jorge Posadas
    2019-03-23 04:20

    hahahahaha