Read Sa Kasunod ng 909 by Edgar Calabia Samar Online

sa-kasunod-ng-909

Kaga-graduate lang nila ng college nang matagpuan umanong bugbog-sarado at tadtad ng saksak ang katawan ni Aaron, matalik na kaibigan ni Eman. Pero hindi kumbinsido si Eman na si Aaron nga ang bangkay na ibinurol at inilibing ng ama at kapatid nito. Dahil walang naniniwala sa kanya, mag-isang sinaliksik ni Eman kung ano ang totoong nangyari sa nawawalang kaibigan - na naghKaga-graduate lang nila ng college nang matagpuan umanong bugbog-sarado at tadtad ng saksak ang katawan ni Aaron, matalik na kaibigan ni Eman. Pero hindi kumbinsido si Eman na si Aaron nga ang bangkay na ibinurol at inilibing ng ama at kapatid nito. Dahil walang naniniwala sa kanya, mag-isang sinaliksik ni Eman kung ano ang totoong nangyari sa nawawalang kaibigan - na naghatid sa kaniya sa mga kwentong nagsisimula sa dekada '50 at pinamamahayan ng mga manananggal, ng mga tagaapagtanghal ng salamangka, at ng mga lalaking basta na lang nawawala....

Title : Sa Kasunod ng 909
Author :
Rating :
ISBN : 9789715066662
Format Type : Paperback
Number of Pages : 260 Pages
Status : Available For Download
Last checked : 21 Minutes ago!

Sa Kasunod ng 909 Reviews

  • K.D. Absolutely
    2018-11-09 14:52

    Mas nagustuhan ko ang unang dalawang aklat ni Edgar Calabia Samar, ang Walong Diwata ng Pagkahulog at Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (kapwa 4 stars). Mas gusto ko kasi yong nagiisip ako. Yong pipigain ng manunulat ang utak ko para maintindihan ang sinasabi niya. O yong ipapasok ko ang interpretasyon ko habang ipinipinid ko ang libro dahil tapos ang ang kuwento. Para sa akin iyang dalawang ang kulang dito sa Sa Kasunod ng 909. Ibinigay na halos lahat sa dulo upang wala nang isipin pa ang mambabasa. Hindi rin nag-iwan ng interesanteng puwang na puwedeng magpagana na interpretasyon.Dalawang story arcs o kasaysayan na sa dulo'y magtatagpo. Ang una ay naganap sa kasalukuyan. Ang kuwento ng pagkawala ni Aaron Santamaria na isinasalaysay ng kaibigan niyang si Eman.. Ang pangalawa ay isinasalaysay ng unknown narrator at tungkol ito sa panahong nakaraan (nagmula sa 1954 hanggang sa kasalukuyan, 2020). Nagsimula ang pangalawang kasaysayan sa pagkawala ni Antonio, ang tatay ni Norman habang nagtatangal sa escapist sa perya sa isang bayan sa Laguna.Alam mong ang dalawang kasaysayan ay magpapanagpo sa dulo. At iyong ang kasukdulan ng kuwento, di ba? Kasukdulan, ibig sabihin ay iyong ang pinakahihintay. Kaso, noong mangyari 'yon, parang hindi ka ako magulat dahil nakutoban ko na. Tsaka, parang hindi na rin siya mahalaga. Anti-climactic. Yon kasing dalawang kuwento parehong interesante at habang nagbabasa, gusto mong malaman kung anong mangyayari at anong relasyon ng mga tauhan sa magkabilang kuwento. Tapos nag-peak na ang dalawang kuwento bago pa ang rebelasyon. Nanawa rin ako sa paghahanap ni Eman kay Aaron. May mga naratibo sa unang kasaysayang iyon na paulit-ulit. Nanawa rin ako sa paggamit sa manananggal bilang metaphoriya ng pagbabagong-anyo o dalawang personalidad sa iisang tao. Noong nakaraang taon, may Si Amapola sa 65 na Kabanata si Ricky Lee. Tapos itong taong ito, may Halos Isang Buhay na rin si Edgar Calabia Samar. Kahit dati pa, si Jessica Zafra ay nagkaroon din ng manananggal sa Manananggal Terrorizes Manila And Other Stories. Sana iba naman. Sabagay, sa Trese at Naermyth, ginamit na ang kapre, tikbalang, nuno sa punso o imburnal, atbp. Ginamit na rin si Bernardo Carpio sa Tall Story. Bakit hindi ang santelmo (ang bolang apoy sa ibabaw ng dagat)? O ang tikling (ang naninilong na anyong sisiw sa mga naga-agaw buhay)? o ang mambabarang (voodoo witch)?Doon din sa pangalawang story arc, may mga patungkol sa digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Hapon. Ang dating sa akin ay kasalukuyan pang nagaganap ang digmaan at magulo pa ang mga bayan-bayan sa Laguna at Quezon kaya palipa't lipat ang karaban ni Joselito. Di ba natapos ang digmaang iyan ng 1944-1945? E, nagsimula ang naratibo ng 1954 at yang palipat-lipat na yan ay naganap ng mga 60's. Wala na ang mga hapon. Inisip ko pa nga na baka Vietnam War na ang backdrop ng istorya pero parang hindi.Yon lang ang naramdaman ko habang nagbabasa. Masaya pa rin ako dahil may mga ganitong bagong aklat na sariling atin na nalilimbag at lumalabas. Kailangan pa rin tangkilikin ito upang mabasa ng marami. Andoon pa rin ang malikot na imahinasyon ni Edgardo Calabia Samar ang ang mga elemento ng bigla-biglang nawawalang tao (Murakami), ang metafiction element na ang karakter sa kuwento ay nagiging isa sa karakter sa totoong buhay (Calvino/Auster), ang paggamit sa panitikan upang matunton ang nawawala (Umberto Eco) at ang mahusay na paggamit ng locale para mapaigting ang kulay ng kuwento at mahabang paghahanap sa nawawala (Bolano). Parang putahe na sinangkapan ng mga pansahog na galing sa iba't ibang bansa. Hindi na pupuwedeng maging pangit ang lasa. Garantisadong masarap.

  • Paolo
    2018-10-22 22:01

    Nako, matindi talaga 'to. Promise.Sa Walong Diwata ng Pagkahulog, 3 stars bigay ko, gusto ko 'yung libro. Pero etong librong 'to, Sa Kasunod ng 909, mas gusto ko. 4 stars. I really liked it!Hindi ako gaano nawala sa istorya ng kuwento. Para sa 'kin malinaw. Malinaw pero may kalituhan pa rin.May mga nakakalitong... 'Yung magsisimula siya sa simpleng palaisipan tapos kung saan-saan ka na dadalhin, may mga ganun pa rin, marami rin.Sa mga oras na binabasa ko 'tong libro, pakiramdam ko nawawala rin ako tulad nila Aaron at Antonio. Napupunta sa kung saan.Nandito pa rin si Teresa. Hindi na siya nakakabasa ng iniisip ng tao sa gabi. Pero puta pa rin siya dito sa libro. Ewan ko pero mas gusto ko si Teresa sa librong 'to. Normal kase? hmmm.Dalawa ang istorya ng libro, salitan ng kuwento ng dalawang main character sa bawat chapter. Si Eman na hinahanap ang tunay na kaibigan na si Aaron, dahil hindi siya kumbinsido na si Aaron nga iyung inilibing. (Sa kasalukuyan nagaganap, nang mawala si Aaron.)At si Norman na hinahanap naman ang tatay na salamangkero na si Antonio, na sa kalagitnaan ng pagtatanghal ay biglang nawala. (1954 nagsimula, nang mawala si Antonio.)Nako, lalu na doon sa mga nagustuhan 'yung Walong Diwata ng Pagkahulog, magugustuhan niyo rin po itong Sa Kasunod ng 909.Hindi maayos review ko. Kaya sana mabasa na ang libro ng mga matitino gumawa ng review. Hindi kayo magsisisi na binili niyo 'tong libro. Sana gumawa pa si Sir Edgar ng mga ganitong libro, 'yung "Kakaiba".(Share lang po! Nadidismaya lang ako. Sa NBS ko 'to binili. Sa liblib na shelf nakalagay. Nasa pinaka ibaba ng shelf, katabi; It's a mens world, Ang huling dalagang bukid. Kung hindi ka talaga maghahanap baka umuwi kang luhaan sa pag-aakalang wala ito roon.)

  • Ashe
    2018-10-31 18:51

    May aswang, puta, at manunulat. Sino'ng makapagsasabi na si Aaron Santamaria ay hindi si Edgar Calabia Samar? O si Edgar Calabia Samar si Aaron Santamaria? Maaaring hindi nga sila iisang tao tulad ng sinabi ni Clarissa Pamintuan pero maaari din na sinabi lang nya iyon kay Eman dahil iniisip nyang ititigil ni Eman ang paghahanap sa kaibigan dahil dito.Pero ang masasabi ko lang ay hindi ako patutulugin ng mga tanong na iniwan ng librong ito sa akin. Mga tanong na nabawasan dahil sa mga rebelasyon sa huling bahagi ng libro pero nag-iwan naman ng ilang bagay na hindi nabigyan ng linaw. Kagaya ng anak ni Clarissa. Ng panahon kung saan naroon si Aaron. Ng kung sino ang mga bangkay na nakita nila Ta Sally at ng ibinurol at inilibing ni Jan at ng tatay nya.

  • Ayban Gabriyel
    2018-11-03 15:44

    Sumakit brain cells ko. Ewan.

  • Serg
    2018-10-26 20:02

    mahusay magsulat si edgar calabia samar. nakakahikayat sa pagbabasa dahil nagiging bahagi ang tagabasa sa takbo ng kwento at paghahanap ng paliwanag tungkol sa pagkawala ni aaron. magaling syang magtahi ng mga salita sa tagalog. kahit minsan ay gumagamit sya nga malalalim na salita, hindi naman ito naging balakid para patuloy na makasakay ang mambabasa. magaling ang estilo sa paglalahad ng dalawang parallel na kwento na gaya ng inaasahan ay magiging magkarugtong. malikhain ang pagsasalarawan sa buhay ng mga nagtatanghal. may ilang kwentong puede namang itapon na lang at naroroon pa rin ang buod dahil di malinaw ang kaugnayan nito sa punto ng kwento (hal. ang relasyon lalaki sa kapwa lalaki na nangyari noong unang panahon sa pagkawala/pagkatulog ni Norman at sa pagkagising nito. Matatanong tuloy natin, bakit walang panaginip si Aaron noong siya ang nawawala?). Malapit sa pagtatapos, naging boring at nakakainip ang paglalahad ng pangunahing tauhan tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang relasyon kay teresa at ang kanyang sariling pagkakatali kay Aaron. Di rin naipaliwanag kung bakit mas matanda ang hitsura ni Norman kay Antonio, gayong nawala rin naman ang una ng mahabang panahon at dapat ay di rin nagbago ang kanyang hitsura nang muli syang magising matapos ang martial law para ma-offset ang tanda ng pag-usad ng panahon sa kanyang katawan kumpara sa kanyang ama. sa pangkalahatan naman ay napukaw ang aking kagustuhang basahin ang ilan pang akda ni edgar. sana walang butas gaya ng nakita ko sa librong ito para di naman makadismaya sa bandang huli.

  • GenovaGee
    2018-11-08 19:40

    Daig pa ang sumakay sa roller coaster! Phew!

  • Aloysiusi Lionel
    2018-11-08 19:36

    Isa sa mga epekto sa mambabasa ng pagkamuhaling sa panitikan ay masukismo. Gusto niyang masaktan sa sarili niyang buhay paminsan-minsan. Gusto niyang maranasan ang sakit na naranasan ng tauhan sa kuwento o nobela na binasa, kalakip ang pagsubok kung matitiis at malalagpasan ang sakit na hinayaan niyang gawin sa kaniya, o sakit na mismong siya ang gumawa. Habang binabasa ang Sa Kasunod ng 909 (USTPH, 2012) ni Edgar Samar, gusto kong masaktan, mailayo ang sarili sa paulit-ulit na timbang ng mga pangyayari. May pagnanasang iwanan ng mahal sa buhay at ngatngatin ang manggas ng sariling kamiseta. Nais na masaksihan ang pagpunit ng kumot na nakabalabal sa pagtulog, mapakinggan ang mabilis ngunit matalim na tunog ng pagpunit, at mabanaag sa katiting na liwanag ang mukhang may ngiting mahalay at marahas.Masasabi kong mahilig ako, o sadyang nahumaling dahil sa mga suhestiyon na babasahin ng mga kaibigan at eksperto, sa mga nobela na umiikot sa paghahanap ng tauhang bigla nalang nawala, samantalang ang isang tauhan ay gugugulin ang oras sa paghahanap at pagtuklas ng mga kaligirang misteryo. Nariyan ang Rant ni Chuck Palahniuk at Sputnik Sweetheart ni Haruki Murakami. At heto ngayon, sa nobela ni Samar, muling nagising sa mahimbing na tulog ang halimaw sa akin, ang halimaw ng paghahanap.Nasa kamay ni Samar ang kampeonato ng detalye. Marubdob at kumplikado ngunit malinaw at nakakaaliw. Binibigyan tayo ng iba't ibang interpretasyon sa mga senyales tungkol sa pagkawala ng kaibigan ni Eman na si Aaron. Mula sa tatlong dahilan hanggang sampu at hindi na mabilang pang mga posibilidad at argumento. Hawak niya tayo sa leeg, mahigpit na pagkakahawak ngunit nagbibigay ng direksyon kung saan tayo lilingon, tititig, at magsisirko. Ang pagbabasa ng nobela ay isang anyo ng masukismo: gusto kong makulong sa kaniyang mundo, mundo na puno ng mga kuwento ng kagila-gilalas na nilalang at mundong malayo sa kasalukuyan at katotohanan. Mundong wala akong papel kundi tumitig sa lahat ng dadaan at mangyayari at saksihan kung anumang karumal-dumal ang sadyang magaganap. Patalbugin kung saang lupa man ako dapat mahulog at lumipad.Isang pagsubok ang magbasa ng nobela na may parallel narratives o intertwined histories, tulad ng The Storyteller at Aunt Julia and the Scriptwriter ni Mario Vargas Llosa. Ngunit, taliwas sa istruktura ng dalawang nobela, nagtipan at naging isa ang dalawang naratibo sa Sa Kasunod ng 909. Hindi naging hadlang ang pagitan ng panahon ng dalawang kwento (1954-2006). Ang pagkawala ni Aaron at biglang paglaho ng salamangkerong si Antonio ay hindi magkabilang-dulo ng isang uniberso. Bagkus, pinag-isa sila ng pangungulila ng mambabasa.Pinagtibay ng huling dalawang kabanata ang pag-iisa ng sanga-sangang kasaysayan. Nabigyan na ng resolusyon ang mga pagkalito. At ito ay banayad na inilatag ng nobelista. At ito ang nais ng masukistang mambabasa, unti-unting latay, panaka-nakang laslas habang butil-butil ang dugo na umaagos sa balat. May melodiya, hindi nagmamadali. Ngunit tulad ni Eman, hindi pa rin titigil ang mambabasa sa paghahanap ng tunay at ganap na solusyon. Mananatiling isang lagalag sa kadiliman, hahayaang ang mga espasyo sa pagitan ng mga salita at buntung-hininga at ang nakabibinging katahimikan ang maghusga at pumaslang sa aswang na nananahan sa pagkahumaling sa binabasa.

  • Clark
    2018-11-10 15:56

    isa sa mga reason kung bakit interesado ako sa mga libro na ganito sa title pa lang makucurious ka na (kung bakit ganyan ang title?). medyo na dismaya ako sa dulo where in na solve na ung "ibang mga tanong". isa sa mga question pa rin sa kin kung ano ang kuniksyon ni aaron kay teresa at kay clarisa? at bakit pangalan nya ung nakalagay sa photo blog na "sa kasunod ng 909". hindi rin naging klaro kung san nagmula ung sumpa na tuwing sasapit ung 22 taon ng lalaki sa pamilya at kung naging si batohan si norman? sa bawat pag kawala ba ng mga lalaking nasa pamilya nila tuwing sasapit ang 22 taon nila napupunta ba sila sa ibang panahon, ibang lugar at ibang pag katao? kung nasagot ito sa libro na hindi ko napansin. hanga ako kay mr. edgar.sa kabilang banda humahanga ako sa pagiging totoo ng bawat salita sa librong ito medyo sensored pero totoo. maganda and librong ito. hindi ko pa nababasa ung dalawa pang libro ni mr. edgar interesado na ko sa dalawa nya pang libro lalo't na may ediya na ko sa gawa ni mr. edgar. Mga aswang puta at manunulat.

  • Jayps
    2018-10-20 22:39

    Ok lang. Pero gets ko kaagad kung ano ang mangyayari sa dulo. At nakulangan ako sa emosyon ng mga karakter. Para sa akin nanatili lang silang mga karakter, hindi tunay na tao. Kung may mga na-miss man akong tagpo o pangyayari para udyukin akong basahin ulit ang libro, mukhang imposible na.At hindi tulad ng "Diwata" na kahit nasa bus ako o LRT at natatadtad ng biyahe ang pagbabasa, itong "909" ay parang pangkaraniwang aklat lang na pang-akademiko na babasahin lang na tuloy-tuloy at hindi manunuot sa utak ko, hindi ako mapapaisip, hindi mapapatanong sa sarili ng "Huh?".Higit sa lahat, nakokornihan ako sa mga kwentong manananggal: hati ang katawan, lumilipad, nagpapahid ng langis--aba'y mabubusog ka ba kung ang bituka mo ay butas at nakalaylay at nakalabas?

  • John Carlo Cabilao
    2018-10-31 19:02

    Asteeeg! Isa sa mga da best na postmodernong nobela na nabasa ko. Hitik na hitik sa metaliteratura/metanaratibo (na isang pangunahing katangian ng mga akdang postmodern) na kapag nagpatangay ka sa agos ay ililigaw ka (kung saan mapapadpad, hindi natin tiyak). Ngunit bakit nga naman hindi papatangay sa agos kung ihahatid ka nito sa di-malay na daigdig kung saan maaari palang maging "maaari" ang akala nating hindi maaari? At isa pa, walang malay akong naging si Eman, naging si Aaron, at bilang mambabasa'y isa marahil sa naghinanakit kung bakit hindi man lamang nagkatagpong muli ang dalawa.

  • Alden
    2018-11-04 19:06

    **review probably coming soon**

  • Chelsea
    2018-11-04 14:36

    the only tagalog book that i could think of that i actually read and liked. :)

  • Abel Mallari
    2018-10-19 21:36

    Another entertaining read from Egay Samar, Sa Kasunod ng 909 is the second of an intended trilogy along with Walong Diwata ng Pagkahulog. The fantastic element in 909 is more pronounced and in-your-face that it constantly challenges the reader's belief in the story it's trying to tell - whether to suspend it and accept the book as a fantasy, or cling to it and keep reading the book as a mirror of real life, only to realize in the end it's both. 909 is a celebration of the author's unbridled imagination and his masterful storytelling; the short stories sprinkled in it surely prove so. I am in love at how excellently Egay Samar has harnessed the Filipino language to sound so beautifully, and feel so poignantly. In the end, same as with Walong Diwata, I kept wondering again why the title? And moreso, what would I do if those things happened to me? Who is Teresa in all this? And will Eman see Aaron again?

  • Aviecayl Uy
    2018-11-11 15:00

    This is the very first book that I bought from the UST Publishing House, and it is definitely worth it. "Sa Kasunod ng 909" reminded of Audrey Niffenegger's "The Time Traveler's Wife" and of the writings of Paulo Coelho and Alain de Botton.