Read Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela by Edgar Calabia Samar Online

halos-isang-buhay-ang-manananggal-sa-pagsusulat-ng-nobela

Tinitingnan dito ang larawan ng manananggal bilang musa at talinhaga sa pagkatha ng nobela. Samantalang sinisikap sagutin ang mga tanong kung anong kasaysayan ang nililingon sa pagususlat at kung paano't bakit kakatha ng nobela sa harap ng mga hamon ng kasalukuyan, sinisiyasat din ang manananggal bilang larawan ng pag-iisa't pagiging iba, ang pangangailangan nitong magbagoTinitingnan dito ang larawan ng manananggal bilang musa at talinhaga sa pagkatha ng nobela. Samantalang sinisikap sagutin ang mga tanong kung anong kasaysayan ang nililingon sa pagususlat at kung paano't bakit kakatha ng nobela sa harap ng mga hamon ng kasalukuyan, sinisiyasat din ang manananggal bilang larawan ng pag-iisa't pagiging iba, ang pangangailangan nitong magbagong-anyo, pumailanlang, at pumaslang, bago sa bandang huli'y magbalik sa pagiging tao't manindigan....

Title : Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela
Author :
Rating :
ISBN : 9789715066631
Format Type : Paperback
Number of Pages : 206 Pages
Status : Available For Download
Last checked : 21 Minutes ago!

Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela Reviews

  • K.D. Absolutely
    2018-11-10 16:59

    Sa pagkakatanda ko, ito ang unang literary criticism na Tagalog na nabasa ko. Malamang na may mga nabasa akong katulad nito sa mga textbooks sa kursong Pilipino noong nasa mataas na paaralan o kolehiyo ako. Subali't hindi buong-buo kundi iyon lamang mga pahina na sinabi ng aming guro na basahin bilang gawaing-bahay.Ang ipinagkaiba at ikinaganda ng aklat na ito ng aking paboritong si Edgar Calabia Samar ay hindi mo halos mararamdaman na ito ay kritisismong pampanitikan. Sinangkapan niya ito ng metaporya ng mahiko o fantasya: ang paglipad ng manananggal. Ang metaporyang ay hindi upang matakot. Bagkus ay upang iparating na ang paghahati ng katawan, ang paghihiwalay ng dalawang bahagi, ang paglipad, ang pagpapaimbulog sa kalawan, ang pagsulyap sa naiwang bahagi sa lupa at ang paghahanap ng dugo o lamang loob ay parang masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng panitikang Filipino sa kasalukuyan. Kung paano niya matagumpay na naisagawa ito sa pamamagitan ng kanyang panulat ay isang kagampanan ng kayang pagkapaham sa paggamit ng mga titik: ang mainam na prosa upang hindi lamang ipaunawa kundi mas higit na ipadama na ang paggamit sa sariling wika at pagtangkilik sa ating sariling panitikan ay silang mabibisang paraan upang makilala nating lubos ang ating kakanyahan bilang isang lahi na may sariling damdamin at mga adhikain.Ang isa pang nakakawiling sangkap sa kritisismong pampanitikan na inilagay ni Samar sa aklat na ito ay ang paggamit ng kanyang mga personal na karanasan o pinagdaanang karanasan hindi lamang kung paano siya naging isang manunulat kundi isinama rin niya ang mga manunulat at ang ilan sa mga akda nila na naka-impluwensiya sa kanyang mga gawa. Sa mga personal na karanasan, natawa ako tungkol doon sa pagkupit niya ng mga edisyon ng magasing Playboy mula sa silid ng kanyang kuya. Nakita ko rin ang sarili ko sa kanya bilang isang bata sa lalawigang karamihan sa mga tao ay nagbabasa ng lingguhang labas ng mga kinagigiliwan at sinusundang nobela sa komiks. Kita noon pa man, na ang kahalagahan ng komiks sa paglinang sa kaisipan at imahinasyon ng mga batang lalawigan upang maging magaling, sa kanilang paglaki, sa pagsusulat. Nasabi ko ito, hindi para sa aking sarili, kundi sa karanasan ni Boy Noriega, ang sumulat ng dulang "Bobong at Kris" noong dekada otsenta. Si Boy Noriega ay kapatid ng aking dating superior sa isang kumpanya ng gamot na pinagtratrabahuhan noong dekadang iyon. Silang magkapatid, kasama ng ilang nilang mga kababata, ay nahilig sa pagbabasa ng komiks.Natuwa rin ako ng malaman na ang mga sinulat ni Edgar Calabia Samar na dalawang nobela, Walong Diwata ng Pagkahulog at Sa Kasunod ng 909 ay kapwa naimpluwensiyahan ng mga akdang sinulat ng apat na mga dayuhang manunulat na sina Paul Auster, Umberto Eco, Haruki Murakami at Roberto Bolano. Sila ay pawa-pawang mga dayuhang manunulat na nagustuhan ko at marami sa kanilang mga akda ay nabasa ko na rin. Ito siguro ang dahilan kung bakit binigyan ko ng 4 na bituin ang unang aklat niya at malamang sa hindi ay bibigyan ko rin ng 4 o higit pa na bituin ang sa ngayo'y binabasa kong pangatlong aklat niya. Itong Halos Isang Buhay ay pangalawa sa kanyang mga aklat. Mainam itong basahin bago ang Sa Kasunod ng 909 upang maunawaang mabuti kung ano ang mga elementong isinangkap niya sa kuwento ng pagkawala ni Aaron. Nguni't ang pagbabasa ng kritisismong pampanitikang ito ay hindi makaka-hadlang para maibigan ang nobelang iyon dahil hindi naman ibinigay ni Samar ang mga bahagi ng kuwento. Pinahapyawan lang niya.Ang tanging munting babala ko ay kung hindi mo pa nabasa at balak mong basahin ang mga sinulat ng apat na dayuhang nobelista, baka kailangang lakdawan mo ang mga bahaging tungkol sa mga ito. May mga bahagi sa naratibo na isiniwalat ni Edgar Calabia Samar ang ilang importanteng pangyayari sa ilan sa mga noobela ng 4 upang ipahatid ang kanyang mensahe. Wala namang kaso sa akin dahil hindi ako talaga naaapektuhan ng spoilers kahit nangangalahati pa lang ako sa The Savage Detectives kaninang umaga at ipinaalam na si Edgar Calabia Samar ang ilang mahalagang elementong nasa mga pahinang di ko pa nararating.Di ko rin malilimutan ang mga patungkol na sanaysay sa mga akda ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal. Mahusay at malalim ang interpretasyon niya sa pagsiyasat sa karakter ni Elias. Nasagian rin ng kayang kuro-kuro si Bob Ong at ang kanyang mga akda. Nabanggit din ang mga isyung napapanahon kagaya ng Scarborough Shoul, RH Bill, graft and corruption, atbp. Patunay na si Edgar Calabia Samar ay hindi lamang nakatutok sa panitikan kung hindi isa siyang manunulat na may malawak na kamalayan sa mga mahahalagang isyung pinagdadaanan ng mga kapwa niya Pilipino.Basahin at limiin ninyo ang aklat na ito. Maayos ang pagkakasulat. Hindi mo mararamdaman na para kang isang estudyante na naga-aral ng panitikan nguni't magkakaroon ka ng dagdag kaalaman sa prosang naratibo. At ang pinakamahalaga, kung nagustuhan mo ang "Diwata" at may balak kang basahin ang "Kasunod," makakatulong ito upang maunawaan mo kung bakit ganoon kahusay magsulat si Edgar Calabia Samar.Mabuhay ka, Sir Egay!

  • Jayvie
    2018-10-27 17:55

    Unang kritisimong libro na binili at binasa ko at masasabi kong hindi na ito masama para sa first time. Interesante ang nilalaman at mas malaman(dyusi) ang librong ito pagdating sa mga impormasyon kesa sa mga textbooks na kinabagutan kong basahin nung high school. Mas marami akong natutunan at nalaman sa librong ito.Gawa ni Edgar Calabia Samar. Isang makabagong manunulat. Makabago dahil malayo na ang kanyang istilo sa tradisyonal at klasikong paraan ng pagsusulat. Mas nakilala ko si Samar dahil sa librong ito. Naglalaman kasi ito ng mga kwento niya noong kabataan niya na sadyang kaaliw-aliw. Naging pilyo din pala siya. Akala ko kasi, seryoso lagi sa buhay ang mga manunulat at walang oras para sa katarantaduhan.Nakabasa na ako ng nobela niya, ang Walong Diwata ng Pagkahulog. Sa simula ay hindi ko nagustuhan ang nobela niya(Review ko(3 stars). Pero pagkatapos kong basahin itong Halos Isang Buhay, naintindihan ko na kung bakit ganun ang takbo ng nobela. Mas naging malinaw, mas naging makabuluhan pero nandoon pa rin ang misteryo na bumabalot sa mga tauhan at mga lugar. Nanatili ang pananabik na muling mabasa ko ang nobela at mas maintindihan ito at mas magustuhan.Meron ding kaunting pahapyaw sa kanyang nobela ngayon. Ang Sa Kasunod ng 909. Hindi naman masasabing spoiler. Sa halip ay parang plot lang ang binanggit niya. Tinalakay niya din ang istilong ginamit niya dito kaya sa tingin ko ay hindi na ako mahihirapan kung sakali mang mabasa ko ang nasabing nobela.Maliban sa mga libro niya, tinalakay din niya ang ilan sa mga sikat ar klasikong akda sa buong mundo. Mahusay ang pagkakapaliwanag niya kahit minsan ay hindi ako maka-relate sa kadahilanang hindi pa ako pamilyar sa mga akda 0 sa mga may-akda na nabanggit niya.Sa kabuuan ng libro, bukambibig niya ang apat na taong naging inspirasyon niya sa pagsusulat. Sina Roberto Bolaño, Umberto Eco, Paul Auster at Haruki Murakami. Tinalakay niyang mabuti ang mga akda nila na sa tingin ko ay napakahusay. Hindi pa ako nakakabasa ng kahit na anu mang libro nila pero pinapangako kong balang-araw ay mababasa ko rin sila, lalo pa ngayong may alam na ako tungkol sa kanila.Nagbanggit din siya ng mga lokal na manunulat at ang mga istilo nila. Dito naman ako natuwa dahil karanmihan sa natalakay niyang libro ay nabasa o balak ko nang basahin. May mga bagong akda din akong nalaman at isinama ko na sa listahan ng mga balak basahin. Napakasaya dahil sinusuportahan pa rin ni Samar ang panitikang Pilipino at iniinganyo pa niyang magbasa ang mga Pinoy sa paggamit ng wikang Filipino sa kanyang mga nobela.Maganda ang libro. Kahit pinaulanan ako ni Samar ng sangkatutak na manunulat at akda, masasabi ko pa ding gusto ko ang librong ito. Sa dami siguro ng mga nabanggit na akda dito, pwede ko na gawin itong reference kapag maghahanap ako ng magagandang libro.

  • Phoebe Andamo
    2018-11-11 13:57

    Sabay naming binasa ni Kwesi itong libro (buddy read).4 stars kasi nagustuhan ko ang pagkakalahad niya, gusto ang paggamit niya ng tayutay na manananggal, gusto ring may recommendations galing sa author (at malaman ang mga nakapag inspire sa kanya), gusto ko rin ang drawings sa libro at yung pagpapakatotoo niya sa mga mambabasa. Medyo nakuha ko naman ang gist dun sa di ko kilalang mga authors. Si Murakami pa lang kasi ang aking nabasa (at paborito) sa mga nabanggit niya sa libro. Kaso sa teknikal na mga salita, nalunod ako.buddy read with Kwesi, read it here: comments section of his review kaso puro reaksyon ito (at away! haha)~~~***~~~***~~~

  • Jayps
    2018-11-04 15:59

    Hindi ko alam kung anong lenggwahe ang gustong gamitin ni ECS dito: kung Filipino ba o Tagalog? May mga sandaling di ko siya maarok. Meron namang ok at parang nakikipagtsismisan lang sa ka-officemate.Pero ok na para sa pag-aaral at tamang pagbabalangkas sa pagsulat ng nobela.

  • Jotam Magraccia
    2018-10-25 21:51

    Ang pagiging konektado ng kalagayang pisikal ng manananggal sa pagsulat ng tunay na istruktura ng nobela.